Tatlong malalaking isyu ang tinalakay nina Pre­sidente Rodrigo Duterte at Singapore Prime Mi­nister Lee Hsien Loong sa sidelines ng 28th at 29th ASEAN Summits sa Vientiane, Laos.

Sa bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Digong at PM Lee, pinag-usapan ng dalawang li­der ang problema sa kalakaran ng iligal na droga at mga negatibong epekto nito.

Pinag-usapan din ng dalawang Southeast Asian leaders ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) kabilang na ang freedom of navigations operations sa South China Sea, kahalagahan at pangangailangan ng peaceful settlement sa territorial disputes, gayundin ang papel ni dating Pangulong Fidel Ramos bilang special envoy to China.

Panghuli ay inanyayahan ng prime minister si Pa­ngulong Duterte na bumisita sa Singapore.