Nanawagan ng sama-samang pagkilos si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bansang kaanib ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na walisin ang mga banta sa seguridad na nakakaapekto sa progreso.
“Equally important, we must not waver in our efforts to eliminate security threats to regional growth and development,” pahayag ni Pangulong Duterte nang magtalumpati ito sa pagbubukas ng ASEAN Summit sa PICC kahapon.
Binigyang diin pa nito na hindi lamang sa Pilipinas isusulong ang kampanya laban sa ilegal na droga kundi sa lahat ng mga bansang kasapi sa ASEAN.
“We must also be resolute in realizing a drug-free ASEAN. The scourge of illegal drugs threatens our gains in community-building,” ani Duterte sa harap ng mga lider ng ASEAN.
Binigyang-diin nito na mismong siya ay saksi kung paano dinurog ng ilegal na droga ang pangarap, pag-asa at kinabukasan ng mga kabataan.
Kaya kinakailangan umanong magtulungan ang mga bansa sa pagwasak ng mga apparatus ng bawal na gamot.
Malaking bagay umano ang political will at kooperasyon.
Kinakailangan din umanong panatilihing ligtas ang mga mamamayan ng bawat bansa mula sa mga piracy at armed robbery gayundin sa terorismo at iba pang karahasan.
“Piracy and armed robbery against ships disrupt the stability of regional and global commerce. Terrorism and violent extremism have brought the reality of attacks right on our shores and at our doorsteps,” ayon pa sa Pangulo.
“Eternal vigilance is the price that we must pay to keep our citizens safe. We can only achieve this through advancing cooperation at the bilateral, regional, and multilateral levels,” dagdag pa nito.
Lozada and Karen are talking like an expert on south china sea. Bakit during Pnoy time may nagawa ba sila. To many intellegent people what Presidnet Duterte did are outstanding and in the better interest of Filipino people. Tingnan ninyo approval and trusting ni President Duterte are excellent.
HARANGAN NINYO MGA CHINESE SILA ANG NAGDADALA SA BANSA NG MGA DRUGS KASI LIBRE SILANG NAKAKAPAGLAYAG SA ATING KARAGATAN.
Pero ang China hindi lalabanan ng ASEAN.