Umiikot ngayon sa social media ang apela hinggil sa konsiderasyon sa pagbibigay o pagsama sa lahat ng senior citizens sa mabibigyan ng ayuda sa ilalim Social Amelioration Program (SAP).

Sa Facebook page ni Atty. Nicasio Conti, dating commissioner ng Presidential Anti-Graft Commission na “Serving with Honor,” hinirit nito sa Department of Social Welfare and Development na ngayong panahon ng quarantine, dapat ay isa-alang-alang din ng DSWD ang kalagayan ng mga senior citizens na kinakailangan ang ayuda ng gobyerno para sa pagkain, medisina, bitamina at iba pa.

Ang kanyang post ay isang bukas na liham sa gobyerno na sumasalamin sa pagmamalasakit sa mga kababayan natin ngayong dumaranas ng COVID crisis kung saan isa sa mga apektado dito ay ang mga

senior citizens na mahina na ang immune system.

“Most of the seniors, if not all, have illnesses that need maintenance medicine for high blood pressure, kidney failure, cancer, diabetes, osteoporosis, arthritis, cataract, and the like because when they were younger, they worked hard and they toiled, they gave their sweat, blood and tears to ensure a better future for their children and our country. they are the most vulnerable to contract corona virus because of their health and medical condition. and some of the senior citizens are leaving alone and they need food and other provisions,” sinabi ni Conti sa kanyang apila.

Aniya, hindi lamang mga “poorest of the poor” ang dapat unahin kundi lalong higit na bigyang prayoridad sa ayuda ang mga senior citizens para sa awtomatikong grant na government subsidy sa panahon ng ECQ.

Kaugnay nito tumugon naman si DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao na pag-uusapan nila ang sitwasyong ito.

“We will take up this matter (online appeal) with the Execom officials,” pahayag niya.

Sa ngayon ay mahigit 10, 000 na ang komento sa FB post at pumalo na rin sa mahigit 16,000 ang shares ng post. Nasa 30K na rin ang “likes” nito.