Inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Irene Dumlao na may P239 milyon ‘standby funds’ ang ahensya kung saan ang P199 milyon ay gagamitin bilang ‘quick response fund’ para sa mga nasalanta ni bagyong `Ambo’
May P176 milyon halaga ng mga ‘food pack’ at P483 milyon para sa ‘non-food item’ na magagamit sa paghatid ng karagdagang tulong sa mga LGU.
“Nakapaghatid na ng family food packs sa Regions 5 at 8. Nakikipagtulungan tayo sa Office of Civil Defense para sa provision ng naval assets para makapaghatid na karagdagang food packs sa mga naapektuhan ng Bagyong Ambo,” ani Dumlao.
Nanalasa ang Bagyong Ambo sa Samar, Southern Luzon at Bicol region at nagdulot ng malakas na pag-ulan sa ilan pang bahagi ng Luzon at NCR kung saan sa pinakahuling ulat ay isa ang nasawi habang apat na katao ang nasaktan.(Dolly B. Cabreza)