DTI aprub sa taas-presyo ng mga Noche Buena item

Pinayagan ng Depart­ment of Trade and ­Industry (DTI) na magtaas ng presyo ang mahigit 100 mga produktong pang-Noche Buena simula nitong Huwebes.

Ayon kay DTI ­Assistant Secretary Ann Claire Cabochan, nasa 113 sa 225 na mga Noche ­Buena item ang pinayagang magtaas ng presyo, kabilang dito ang hamon, fruit cocktail, spaghetti, pasta, mayonnaise, cheese, at condensed milk.

Nasa dalawa hanggang 13 ­porsiyento ang taas-presyo, ito ay depende pa sa ­klase, brand, at size ng ­produkto na katumbas ito ng P3 hanggang P76 kada item.

Sinabi pa ni Cabochan, ang inaprubahang dagdag presyo ng DTI ay para sa mga Noche ­Buena product.

Aniya, kayat tumaas ang presyo ng mga nasabing produkto ay ­dahil sa pagtaas ng production cost katulad ng mga de lata.

Samantala base ­naman sa pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez, mahigit sa P100 kada kilo naman ang itinaas sa ­presyo ng ilang mamaha­ling hamon.

Ayon kay Lopez, umunti ang suplay ng karneng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF) kaya inaprubahan nila ang mungkahing taas ­presyo ng ilang brand ng hamon. (Armida Rico)

Tumaas din aniya ang gastos ng mga manufacturer sa pag-iimport ng mga karneng baboy.