Hindi nakakalbo kaya hindi na umano kailangang magpa-hair transplant ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nang magtalumpati sa Investment Conference sa Davao City kahapon bilang tugon sa isyung nagpa-hair transplant ito kaya missing-in-action kamakailan.

“Sabi niyo nagpa-hair transplant pa ako. Hindi naman ako balding. Alam mo ang transplant, nakikita mo ito. Minsan puti. Kasi ang puyo ko, dalawa. Totoo ‘yan. O ayan ang isa o. Pag umikot ‘yan nakikita ‘yung — kayong mga loko-loko, the speculators of — hindi doon… alam mo pag nag-puti ‘yan, hindi man — dito ma-cover mo. Eh hinapay mo lang ganon, ma-cover ‘yung bagong tubo. Dito hindi kasi nandiyan ‘yung puyo kong dalawa,” paliwanag ng Pangulo.

Simple lamang at abot-kaya ang presyo ng ginagamit ng Pangulo sa kanyang buhok.

“So ang hair transplant ko, mura. Ang ginagamit ko ‘yung parang sa — ‘yung sa parang pencil na i-ganon mo lang tapos sabihin mo doon sa helper, o — hair transplant. Wala na o. O tingnan mo kahapon ‘yung footage sa Marawi, di ba puti? O ngayon, may nakita ka ba? Bugoksky. Kaya mga ganon,” dagdag nito.