Bibisita sa San Luis, Pampanga si Pangulong Rodrigo Duterte para personal na alamin ang sitwasyon ng mga manukan o poultry farms doon na apektado ng avian flu outbreak.
Sa darating na Lunes, Agosto 28, ang takdang araw ng pagdalaw ng Pangulo kung saan kasama sa itinerary nito ang umano’y pagkain ng manok, itik, pugo at balut para tiyakin sa publiko na ligtas kumain ng nabanggit na poultry products sa kabila ng pagtama ng virus.
Inihayag ito ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa pulong balitaan kahapon para i-address sa publiko na walang dapat ikabahala sa pagkain ng karne ng manok at iba pang uri nito.
Kasabay nito, nilinaw ni Piñol na bawal pa ring magluwas o magbiyahe ng poultry products na nasa loob ng 7-kilometer radius sa San Luis, Pampanga.