Madadale sa kasong “crime against humanity” si Pangulong Rodrigo Duterte kung tototohanin nito ang kanyang bantang bobombahin ang mga Lumad schools sa Mindanao.

Ito ang banta ni ACT party-list Rep. Antonio Tinio sa press conference kaya hiniling ng kanyang kasamahan sa partido na si Rep. France Castro na bawiin ni Duterte ang kanyang banta at humingi ng apology.

“In fact war crime, crimes against humanity ang pagbomba ng mga eskuwelahan,” ani Tinio kaya ito, aniya, ang magiging kaso ni Duterte sa International Criminal Court (ICC) kapag tinotoo ang kanyang banta.

Magugunita na sa press conference ni Duterte matapos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes ay sinabi nito na ipapabomba nito ang mga Lumad schools na nagi­ging daan umano para maturuan ng komunista ang mga kabataang Lumad.

“Tingin ko kay Presidente ay monster sa sinabi niyang bobombahin niya ang mga Lumad schools. Parang hindi ito proper sa isang mataas na lider­ ng isang bansa,” ayon naman kay Castro.

One Response

  1. Si tinio sinisira talaga ang gobyerno natin. Hindi binubomba ang escuelahan. Ang binubomba yong katulad mo na sinungalin. Dapat binibigay ka na lang sa Maute para maputulan ka ng ulo. Subra ang na sira ng tuktulk mo.