DU30, ninong sa kasal ni Joross

NINONG sa kasal ni Jorosss Gamboa at ng misis niyang si Katz ­Saga-Gamboa si Presidente Rodrigo Duterte, pero ayaw umepal ni Joross at hindi niya ito ipinagyayabang.

Apo kasi ng close friend at kababayan ni Pres. Digong na si Pastor Apollo Quiboloy ang wife ni Joross na si Katz.

Sey ni Joross, ayaw niyang magpaka-feeling close sa kanilang Ninong Digong porke nanalo itong pangulo ng bansa.
Hindi rin daw ibig sabihin ay hihingi na siya ng posisyon sa gobyerno sa kanilang Ninong dahil hindi basta-basta ganu’n lang ‘yon.

Normal pa rin ang ­buhay nilang mag-asawa at walang nabago.
Masaya si Joross ­dahil nagagawa niya ang hilig niyang comedy sa naughty primetime series ng GMA na Juan Happy Love Story.

Enjoy si Joross sa role niyang si Bob na sobrang yaman at sobrang yabang, na obsessed sa karakter ni Heart Evangelista na si Happy, na mi­sis ni Juan (Dennis Trillo).

Sabi sa amin ni Joross, ‘yung pagka-naughty ni Bob ay mga double meaning lang, hindi ito bastos.
Hindi raw pilit kung paano nila i-deliver ang comedy at kadalasan ay adlib lang ang mga punchline nila kaya realistic at hindi OA.

Pakemeng dayalog ni Joross, hirap na hirap siyang umakting ng mayabang at presko.
‘Yung karakter ni Dennis ay nakikipaghalikan sa mga magagandang babae, pero hindi raw naiinggit si Joross dahil hirit niya, “Bakit pa ako maghaha­nap, eh nakikipaghalikan na ako sa pinakamagandang babae sa buong mundo? Ang asawa ko, si Katz Saga-Gamboa?!”

Bilib si Joross sa tapang ng palabas nila.
Madalas ay nag-uusap-usap sila sa Viber group nila na bukas ay malamang may meeting na sila with the MTRCB dahil sa kapangahasan ng show nila.

Dito lang daw kasi nakakalusot ‘yung mga eksenang NAG­BABATE ng itlog (si Kim ­Domingo) at si Dennis din ay nagbate ng itlog.
Si Joross ay wala raw binate… sa show.

Ang maganda sa JHLS, sabi ni Joross, edgy ito, pero hindi ­bastos ang dating dahil comedy siya.

Napapanood ang Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad pagkatapos ng Descendants of the Sun. ­