Du30 walang planong pumunta ng US

Pres. Duterte

Walang balak tumapak ng Amerika si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi na kailangang magprotesta ng mga mambabatas na Amerikano na allergic sa kanyang presensya.

“Somebody ask me if I’m going to America, right? What was my response, you guys must be dreaming when I was asked that question several months ago. W hen I was being crucified and castigated by the Obama administration and somebody asked me, one of the members of the media I told you there will never be a time… this is exactly what I said in front of the people and media: there will never be a time that I will go to America during my term or even thereafter. Remember, did you remember that? Review your earlier footage so what make that guy think that I went to America,” tugon ni Duterte nang usisain ng media kagabi sa Davao City patungkol sa banta ng ilang US lawmakers na hindi ito dapat imbitahan sa White House.

Inihayag ng Pangulo na sakali mang imbitahan siya ni US President Donald Trump ay hindi ito magpapaunlak.

“Sinabi ko na nga that statement was made with an air of sarcasm. Sabi ko there will never be time during my… that I will be going to America or thereafter. Ako, tapos na ako dyan I’ve seen America and it’s lousy,” giit nito.

Aniya pa, kung gigil aniyang imbestigahan ng Amerika ang Pilipinas ay nakahanda rin itong gawin ni Pangulong Duterte laban sa mga Kano.