Binusisi kahapon ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang mga kaso ng ‘death under investigation’ (DUI) dahil sa suspetsa ng publiko na mga pulis din ang nagsisilbing ‘riding-in tandem’ at pumapatay sa mga drug suspect.

Sa panimula ng hearing, inungkat ni Sen. Panfilo Lacson ang kaso ng pamamaslang ng riding-in-tandem sa 51-anyos na crime watch group leader sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro noong Linggo.

Sa pagresponde ng pulisya, nabaril ang mga suspek na nakilalang sina Sr. Insp. Magdaleno Pimentel Jr., at Insp. Markson Almeranez, parehong graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA). Si Pimentel ay nakasuot ng bonnet at hoodie jacket habang si Almeranez ay naka-facemask at wig pa.

Ang dalawa na naka-confine ngayon sa ospital ay kinasuhan na ng murder sa pagpatay kay Zenaida Luz, regional chairperson ng Citizens Crime Watch (CCW).

Sinabi ni Lacson na mahirap pang sabihin na mga pulis talaga ang nasa likod ng riding-in-tandem dahil lang sa pagkakahuli sa dalawang pulis sa Oriental Mindoro.

“Kailangan talaga kung may pattern or killings under the guise o riding-in-tandem or vigilantism tapos pulis pala. We really have to establish a pattern muna before we can conclude,” ani pa ni Lacson.

One Response

  1. From day 1. Npakaraming witness na mraming pang aabuso ng kapulisan sa operation tokhang. May makikinig ba. Kamara senado doj. WALA , pero may tamang panahon n lalabas. Di pa lang ngayon