Laro ngayon: (Ynares Sports Arena, Pasig)
3:30 p.m. – BRT Sumisip Basilan St. Clare vs Marinenong Pilipino
Isa si Joshua Fontanilla na kakayod para sa BRT Sumisip Basilan St. Clare upang kunin ang unang panalo sa pagsiklab ng 9th PBA D-League Foundation Cup Finals 2019 kontra Marinerong Pilipino mamayang alas-3:30 ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Nagkasa si Fontanilla ng 15 points, tig-apat na rebound at assist, tatlong steal at dalawang block nang sunggaban ng Saints ang 2nd Finals slot sa pagtibag sa knockout game 3 semifinals laban sa Centro Escolar University sa nakalipas na Huwebes, Setyembre 26.
Babalikat pa kay BRT coach Stevenson Tiu bukod kay Fonatanilla sina Chris Dumapig na naka-11 markers at anim na board huling laro nila, at Malian center Mohammed Pare, na babawi tapos madiyeta sa limang puuntos lang kontra Scorpions
Dehado ang Saints dahil sa wala pang talo sa siyam na laro ang MP, kabilang ang pagwali sa 2-game semis laban sa Technological Institute of the Philippines.
“Obviously underdog kami. But I told them, na-reach natin Finals, so it’s your time to shine,” komento ni Tiu, na nasa third D-League Finals appearance tapos makadalawa sa Che’Lu Bar and Grill.
Ilan sa armas naman ni Skippers coach Yong Garcia na nasa una niyang Finals stint sina Byron Villarias na may pitong treys pa-25 markers nang ‘di papormahin ang Engineers, Eliud Poligrates at Mark Yee. (Aivan Episcop