Dumayo sa Tondo, babae binutas ang ulo

Patay ang isang dayong babae matapos barilin nang dalawang beses sa ulo ng hindi nakilalang gunman kahapon ng tanghali sa may Blk. 18 Baseco ­Compound, Port Area, Maynila.

Kinilala ni PSSG John Paul Rojo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section (MPD-HS), ang biktima sa alyas “Joy” at “Kamahalan”, nasa edad 34-38.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-12:20 ng tanghali sa nabanggit na lugar kung saan agad na nasawi ang biktima dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo na tumagos sa katawan.

Nakuha sa biktima ang kanyang cellphone at nakita ang mensahe nito sa ‘di pa matiyak na kausap kung saan sinasabi nito na huwag nang hintayin pang puntahan pa siya sa pinagtataguang lugar.

Sa text ay mistulang karelasyon ng biktima ang kaaway.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa motibo ng pagpaslang. (Juliet de Loza-Cudia)