Binakbakan ng mga netizen si Secretary Francisco Duque kahapon dahil Marso 16 ng kasalukuyang taon ay may nag-alok na umano na supplier ng rapid test kit sa Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA) na nagamit sana ng mga naunang frontliner na maaaring hindi nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.
Kahapon, nabulabog ang social media sa Facebook post ni Michael Ray Aquino, na dating pulis at ngayo’y nurse sa isang ospital sa New York, USA kung saan sinabi nito na Marso 16 ay nagpadala na siya ng Viber message kay Duque kaugnay ng rapid test kit sample na maaring magamit sa pagkalat ng Covid 19 sa bansa.
Bukod kay Duque , nakipag-ugnayan din siya sa isang Asec Gorgolon ng DOH.
“I informed Sec. F Duque and Asec Gorgolon of DOH about availability of Rapid Test Kits on March 16, 2020. DEADMA sila! They should be BLAMED for this MESS!!” lahad pa ni Aquino.
“ First case pa lang Feb 3, I know we are in trouble. I tried to help Sec. Duque in contact tracing. Yung sagot niya nakakabahala na. Hindi po kaya ng isang tao lang ang contact tracing,’ sabi ni Aquino.
Dahil dito, agad umano niyang sinabihan ang kalihim tungkol sa Healgen And Boson Rapid Test kit na epektibong ginagamit para maihiwalay sa quarantine ang mga Covid positive kahit wala pa itong approval ni FDA director general Eric Domingo, subalit dinedma umano siya nito.
Pinakita pa ni Aquino sa FB ang screenshot ng kanyang Viber message kay Duque sa nabanggit na petsa.
Nagpadala din umano ng sulat ang Healgen and Boson Rapid test kit manufacturer sa FDA na nagpapahayag ng interest na mag-distribute o mag-supply ng test kit upang makatulong sa mabilis na pagsuri at pagbibigay ng resulta sa mga COVID patient.
“We believe that the prompt results from our testing kits will allow medical practitioners to properly administer medication to patients. This request is set to address the urgent need of the Philippines for kits to be used by hospital in detecting the virus , and eventually , in stopping the spread thereof,” sabi pa letter request ng Healgen.
Subalit kagaya ng mensahe ni Aquino kay Duque, dinedma din ito ng FDA.
“ Ganito kapabaya ang gobyerno natin. Nasawi ang buhay ng kapatid kong frontliner dahil sa kabagalan at kabobohan ninyo. Halos magsara na mga hospitals dahil punong –puno na pati health workers natin affected. Ang dami pang patay! Ano bang plano ninyo admin? Kayo mismo ang masisi sa pagdurusa ng mga Pilipino ngayon. Di ninyo na mababalik ang buhay niya, Lintik!” himutok ni Delia Lim.
“So nung March 16 , alam na ni pala ni Sec. Duque na may available na test kits. Pero bakit parang binalewala lang ni Duque. Diba naimbestigahan yan sa Senate dahil ginawang negosyo ng pamilya niya ang DOH, supplier sila kumbaga? I can see na baka gusto ng family niya na sila ang mag-supply, sacrificing the lives of many Filipino people,” pahayag naman ni Karylle Melanie Lapuz.
“What the F!!!. Naghihirap kami dito mga frontliners and may doctor pa kaming severe ang case ngayon sa COVID-19 dahil nahawaan! Sinakripisyo namin ang aming buhay para sa mga kababayan natin. Pero kayo mismong mga lintik na nasa gobyerno! Lalo na kay Duque napakahina ng utak mo. Di ka nababagay sa posisyon. At kayong lahat ng leaders na ang bagal umaksyon. Kayo nga ang dapat sisihin sa nararanasang paghihirap ng mga Pilipino,” sabi naman ni Bella Rose Gayuca.
Ayon kay Aquino, marami sa mga ospital , local government unit (LGU) at mga private company ang gumamit ng Healgen and Boson Rapid Test kits upang apektibong maihiwalay ang mga virus positive sa quarantine.
”Ang galing . May nag-inform na pala kay Duque about sa availability ng test kits, tsaka nung March 16 pa? Pero bakit ang bagal ata nila. Marami na ang namatay pati pa nga mga health workers. Konsensya na nila yan. Lumapit na ang solusyon sa kanila pero as if they don’t care , “ buwelta nama ni Leonard Hanz Velez.
Magugunita na halos sunod-sunod na binawian ng buhay ang mahigit 10 doktor at nurse na mga frontliner sa mga ospital dahil sa kakapusan noon ng mga personal protective equipment (PPE) na dahilan upang ma-expose sila sa virus . Hindi ring nabigyan ng pagkakataon ang mga health workers na sumailalim sa Covid test dahil limitado ang mga test kit na nasa 2,000 lang ang bilang nang unang pumutok ang virus sa Metro Manila.