Hindi maglalaro si Kevin Durant sa pagbabalik ng NBA sa Florida.
Sinabi ni Durant sa ESPN noong Sabado (kahapon, Manila time) na wala siyang balak maglalaro para sa Brooklyn Nets kapag itinuloy ang liga sa July 31.
Mag-iisang taon na sapul nang abutin ng Achilles injury si KD noong NBA Finals habang nasa Golden State pa, unti-unti na ring nakakabalik sa aktibidad sa court, pero hindi susugal sa resumption ng season.
‘My season is over,” ani Durant. “I don’t plan on playing at all. We decided last summer when it first happened that I was just going to wait until the following season. I had no plans of playing at all this season.”
Kahit buong season na tengga si Durant at bilang din ang salang ni Kyrie Irving dahil sa shoulder injury, kumakapit sa No. 7 sa Eastern Conference ang Nets sa 30-34.
Mga playoff-bound teams na lang ang lalaro – 22 lahat – sa ‘seeding games’ sa Disney World.
Tuloy ang workout ni Durant, 31, araw-araw at balik sa normal na ang kanyang routine. Ayaw lang niyang madaliin ang balik.
“It’s just best for me to wait,” dagdag ni KD. “I don’t think I’m ready to play that type of intensity right now in the next month. It gives me more time to get ready for next season and the rest of my career.” (Vladi Eduarte)