Durant may tampururot kina Curry, Kerr

Durant may tampururot kina Curry, Kerr

May tampo si Kevin Durant sa Golden State, lalo sa fans ni Stephen Curry.

Isa ito sa sinasabing posibleng dahilan kaya tumawid ang two-time Finals MVP sa Brooklyn.

May ulat pang ‘di raw ganoon kaganda ang samahan nila ni coach Steve Kerr.

May mga negatibong bagay na ‘di naayos, lalo nitong nakaraang season. Sa Game 5 ng Finals ay inabot ng Achilles tendon injury si Durant, natalo ang Warriors sa Toronto Raptors sa anim na laro.

“All that showed a lack of respect for one of the greatest players to put that uniform on and the fact that he took all that abuse and still put his career on the line to help them win,” pahayag ng isang source ni Marc Spears ng The Athletic.

‘Di makuha ni Durant ang respeto ng fans ni Curry, dahil sa pananaw ng mga itong nagmadali siyang makakuha agad ng ring noong 2016 kaya nilayasan din ang Oklahoma City Thunder.

Sa kabilang banda, nasorpresa si Curry sa biglaang desisyon ni KD.

Nang basagin ni Durant ang kanyang plano, mula Shanghai ay dumiretso ng New York si Curry para kausapin ang teammate.

“The Warriors still feel like they have a puncher’s chance to get him, enough that Curry is going to fly back from Shanghai to New York.” ani Bill Simmons sa kanyang podcast. (VE)