Durant miron lang sa Warriors vs Rockets

Durant miron lang sa Warriors vs Rockets

Hindi nagpraktis si Golden State forward Kevin Durant nitong Martes sa Houston, at out na dahil sa right ankle sprain sa inaabangang matchup ng Warriors at Rockets ngayon (oras sa Manila).

Kinumpirma ni coach Steve Kerr ang pagliban ni Durant pagkatapos ng praktis.

Lumabas si Durant sa fourth quarter ng 115-111 loss ng Warriors sa Phoenix Suns. Napilipit ang paa niya sa isang play, at hindi na nakabalik.

Inari ng Rockets ang unang tatlong matchups nila ng Warriors nga­yong season bago ang final meeting sa regular season.

“We beat them four times or three times in the regular season ain’t nobody going to remember in about a month,” giit ni Rockets guard Chris Paul.

Nasa unahan ng Western Conference ang Golden State (45-21), No. 3 ang Houston (42-25). Nasa gitna nila ang Denver (44-22).

Nakaka-siyam na sunod na panalo na ang Rockets, may tsansa pang ma-overtake ang Warriors at Nuggets bilang top seed sa West.

Sigurado ring gigil ang Rockets na itumba ang Warriors. Sa nakalipas na apat na seasons, tatlong beses sinipa ng Golden State ang Houston sa playoffs. Dalawang beses nang tinatalo ng Warriors ang Rockets sa West finals, huli noong nakaraang season.