Durant, pakakawalan, Thompson ikakadena

Kevin Durant o Klay Thompson?

Mukhang mahirap mamili, pero para sa Golden State Warriors ay magiging mas prayoridad itali si Thompson kaysa kay Durant.

Magiging free agent na si Thompson sa July. Si Durant, may option na kumalas para maghanap ng bagong lilipatan. Kaya ng Warriors na bigyan ng maximum contracts ang dalawa, pero sisirit ang luxury tax bill ng prangkisa.

“We all know that KD is All-World, but Golden State is not really prio- ritizing him,” basag ng balita ni Stephen Smith ng ESPN. “A, because KD’s his own man, he’s going to make whatever decision he’s going to make. And they believe whether he elects to stay or go, what else can they do for him?”

May nakapagbulong sa Warriors, na i-prio-ritize si Thompson. Panatiliin ang Splash Brothers combo nila ni Stephen Curry.

“In other words, offer Klay Thompson eve-ry penny that you can. If you short-change him in any way in free agency, he will consider depar- ting,” dagdag ni Smith. (VE)