OAKLAND, California (AP) — Balak ni Ke­vin Durant na bibitawan niya ang unang tira ng Team USA sa una niyang laro sa Oracle Arena sapul nang lumipat sa Golden State Warriors.
Siniguro rin ni Kyrie Irving na mapupunta sa kamay ni Durant ang bola.

Buong gabing tsini-cheer ng bago niyang fan base, ibinaon ni Durant ang 3-pointer sa first touch ng Americans bago sinundan ng isang dunk. Ilang minuto ang nakalipas ay isa pa ulit one-handed jam ang isinalpak ni Durant para ilista ang first 10 points ng US.

Pasiklab ang newest star ng Golden State, giniyahan ang US Olympic team sa 107-57 paggutay sa China Martes ng gabi sa ikatlong dominanteng panalo sa pangatlo ring exhibition game.

“It was amazing. The atmosphere was great, e­nergy was great. The fans showed me major love, so I appreciate that,” ani Durant.

Iniskor ni Durant, plinantsa ang two-year contract sa Warriors noong July 8, ang lahat ng kanyang 13 points sa loob ng 13 ½ minutes ng first half sa una niyang laro sa kanyang bagong home court, Oracle Arena.

Na-boo sa Los Angeles ilang araw na ang nakakaraan, mainit na tinanggap si Durant sa Bay Area.

Binigyan ng standing ovation si Durant nang ipakilala kasama nina Warriors All-Stars Draymond Green at Klay Thompson.

Pinalakpakan din si dating Golden State forward Harrison Barnes na lumipat na sa Dallas.

Magtatagpo din ang China at US sa kanilang Olympic Opener sa Aug. 6. Nilampaso rin ng Americans ang Chinese 106-57 noong Linggo.