Nakikipagbuno si Russell Westbrook at ang Houston Rockets sa Thunder sa Chesapeake Arena sa Oklahoma City, mainit naman ang bakbakan nina Kevin Durant at Kendrick Perkins sa Twitter.

Sa isang yugto ng kanilang NBA career, pare-parehong nagsuot ng uniporme ng Thunder ang tatlo.

Inumpisahan ni Perkins ang debate, binanggit niya si Russell bilang “best player ever to have put on a Oklahoma City Thunder jersey.” Tinawag pa niyang “Mr. Thunder” si Westbrook.

ESPN analyst na ngayon si Perkins, kakampi nina Durant at Westbrook sa OKC noong 2010-2014.

Nang salungatin ng analyst ding si Marc D’Amico ang sinabi ni Perkins, sumabat na si Durant.

“I think Russ walked right into the door called ‘second round of the playoffs’ – three straight times!” ani D’Amico.

Sagot ni Durant: “Yea and our starting center @KendrickPerkins averaged a whopping 2 and 3 during that series. U played hard the champ” na dinugtungan niya ng ‘lol’.

Si Perkins: “Boy stop you did the weakest move in NBA history! Up on a team 3-1 in the Western Conference finals and then go join them the following season?! Heart of a Champion right there.”

“Weak is starting at center, playing real minutes with no production.
Should’ve worked on your skills as much as I did,” buwelta ni Durant.