Durant pumusta ng $50K kay Oladipo

BILIB si Brooklyn Nets star Kevin Durant sa kakayahan ni Indiana Pacers guard Victor Oladipo.

Sa Instagram Live, walang kurap na sinabi ni Durant na pupusta siya ng $50,000 kay Oladipo na tatalunin nito si Lance Stephenson sa one-on-one.

Hindi kataka-taka.

Isa sa pinakamainam na all-around player si Oladipo kapag walang injury.

Kababalik lang halos ng 27-year-old mula sa higit isang taong pagliban dahil sa ruptured quad.

Bago sinuspinde ang NBA season dahil sa coronavirus, naga-average si Oladipo ng 13.8 points.

Nawalan ng NBA team si Stephenson, 29, nang pakawalan ng Lakers noong nakaraang taon. Sa siyam na seasons sa liga, nag-average si Stephenson ng 8.6 points, 4.2 rebounds at 2.9 assists.

Nakapaglaro din siya sa Hornets, Clippers, Grizzlies, Pelicans, Pacers at Timberwolves.

Sa Chinese Basketball Association na nirarampa ni Stephenson ang kanyang ‘air guitar’ kapag nakakagawa ng magandang play.

Nakalistang 6-foot-6, 230 lbs si Stephenson, samantalang 6’4”, 201 lbs si Oladipo. (VE)