Durant scratch sa Game 4

Durant scratch sa Game 4

Scratch na si Kevin Durant sa lineup ng Golden State Warriors na gagamitin sa Game 4 ng NBA Finals ngayon kontra Toronto Raptors.

‘Di pa rin nakapag-scrimmage si Durant­ kahapon, requisite ni coach Steve Kerr para makita ng trainers kung kaya na niyang lumaro.

Posibleng ngayong araw o bukas mag-full practice si KD kaya may pag-asa pa siyang makabalik bago matapos ang finals.

“I was hoping that today would be the day when he could get out on the floor,” ani Kerr sa media availability. “It’s not going to be today.”

Inabot ng strained right calf si Durant sa Game 5 ng Western Conference semis kontra Houston noong May 8, mula noon ay nakaka-walong larong absent na siya.

Bago ang injury, naga-average ang two-time reigning NBA Finals MVP ng 34.2 points sa postseason. (VE)