Duremdes: Ilang mga team sa MPBL liliban

Ngayon pa lang ay masusi nang pinag-aaralan ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes ang mga posibilidad para pagbubukas ng ikaapat na taon ng liga na iniurong ang petsa mula sa Hunyo 12.

Unang inihayag ni Duremdes sa memo noong Abril 28 na maantala ang opening bagong season ng liga dahil kailangan pang tapusin ang 3rd Chooks-To-Go MPBL 2019-20 Lakan Cup na may natitira pang pitong larom, at nakadepende ang susunod na season sa ilang koponang mga sasali.

“Marami kasing teams na naapektuhan at tinamaan din ng COVID-19. May ilang teams na nagpadala na ng feeler na magli-leave of absence next season,” wika ng komisyoner sa MPBL Instagram official account live session.

Dinugtong niyang kailangang malaman din ng liga kung kaya pa ng mga team owner na magpatakbo ng koponan, at kung hindi kaya na nang marami, maari aniyang kanselahin ang nalalapit na pang-apat na edisyon ng MPBL.

Isa pang alternatibo ni Duremdes ang posibilidad na maglaro sa closed-door venues upang malaman ang kamepon sa Lakan Cup.

“Kung i-allow tayo to finish the Lakan Season with the restriction of no fans allowed, yes. Four teams na lang yan, definitely kailangan itong tapusin,” patuloy niya .

Unang nagdaos na ng closed-door games noong Marso 11 ang torneo sa North Division Finals Game 2 ng San Juan-Go for Gold Knights at Makati-Super Crunch sa Filoil Flying V Centre.

“Isa pa sa mga plano na subject to the approval of league founder Sen. Manny Pacquiao ay ang bagong format that would limit the games of the season,” paliwanag ni Duremdes. “We will limit the games at magkakaroon kami ng sariling tournament lang ng South at sariling tournament alone ng North. Hindi na sila magcro-crossover. Magkikita na lang yung champion ng North at South sa National Finals. In that way, mali-limit ang games.”

Base sa 31-team Lakan Season, umabot ng ng 498 games ang liga. (Lito Oredo)