May pressure umano sa tatlo hanggang anim na buwang deadline laban sa kriminalidad at droga kaya sumo-shortcut na ng style ang gobyernong Duterte.

Ito ang pananaw ni Sen. Leila De Lima kaugnay sa pagiging todo gigi­l na asal ni Pangulong Rod­rigo Duterte partikular na sa kalalabas ng kautusan gaya ng shoot to kill order sa mga pulitiko na involved sa droga.

“Unang-una d’yan tayo napapabilib ng Pa­ngulo ‘yung sheer boldness and determination n’ya sa kanyang anti-drug drive talagang you know binabantaan niya lahat kasama na ‘yung mga narco-politicians na ‘yan,” ani Sen. De Lima sa panayam kahapon ng hapon.

Kahanga-hanga umano ang ganitong determinasyon ni Pangulong Duterte at inaayunan ng senadora ang statement ng Presidente na sinira ng mga pulitikong sangkot sa kalakaran ng bawa­l na gamot ang bansa, sapagkat ang mga lingkod-bayan gaya ng mga mayo­r at iba pang local executives ang inaasahan ng taumbayan­ na pangunahing magtataguyod at magpapatupad ng batas.

“So bilib ho tayo sa punto na ‘yan,” ani De Lima.
Pero sa usapin naman umano ng istilo na “shoot to kill” at “shoot on sight” kailangan munang ma­ging malinaw ito.

“Kasi sa mga ordinaryong tao po ang da­ting ng shoot to kill at shoot on sight malinaw… kapag nakita sila whether­ or not armado sila ay puwede silang barilin ng mga law enforcers e malinaw na mali ‘yun, malinaw na labag ‘yan sa batas kasi technically speaking wala na hong lugar ‘yung mga ganyang order sa ating Konstitusyon… it’s not there anymore,” paliwanag ni De Lima.

Iginiit ng senadora na puwede namang pagsabihan ng Pangulo o engganyuhin sa iba pang pamamaraan para mas maging masipag ang mga law enforcer sa pagdakma ng mga pinaghihinalaang sabit sa iligal na droga kahit wala nang shoot to kill order o shoot on sight.

18 Responses

  1. naku ingat kayo sa pag comment iba-ban kayo ng reporter na ito. nang yari
    sa akin yan doon sa isang reporter pinuna ko lang na mali mali ang
    report nya ayun lagi ng binubura lahat ng comment ko sa column nya kahit
    di patungkol sa kanya, napakakitid ng ???. mahirap na baka dalawa na
    silang mag ban sa akin sa pag comment.

  2. GO GO GO P. DIGONG..WAG MO SILANG SUSUKUAN DAHIL KAMING MATITINO LAGING NASA LIKOD MO SA LAHAT NG LABAN PARA SA TAONG BAYAN NA GUSTO NG KATAHIMIKAN!!!

  3. itong si de lima panay sabi ng ibang paraan…hahahaha wala nman syang maimungkahing ibang paraan, kahit nong panahon nya ang paraan nyang alam ay pag baby sa mga drug lord!hahahaha

  4. Ang order ng commander in chief is to shoot on sight kaya may blanket authority na ang kapulisan o militar na barilin ang sino mang suspect na sinabing mga protektor o drug lord/drug pusher. Kahit na yung mga napabalitang sumuko na at nagbabagong buhay binabaril na.