Hindi porke sumuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte ay magkakaroon na ng puwang sa gabinete nito lalo na ang mga walang “K” na maglingkod sa bayan.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang pagpili ng mga opisyal ng gobyerno ay hindi basta-basta lang.

Sinabi pa nito na sa ngayon ay puno na ang kanyang gabinete kaya wala itong mababanggit na pangalan na posibleng i-appoint mula sa mga talunang kandidato na sumuporta sa kanyang kandidatura.

“…puno na eh. Right after the elections, you have to face the reality of utang na loob. So ilagay mo ‘yan sila doon.

But for the key positions, hindi kasali ‘yan. So the guy that must be appointed in that position must measure  must measure to the requirements of the public office.

Hindi ‘yan pwede na basta-basta lang,” paliwanag ng Pangulo nitong Miyerkules, Mayo 10 bago ito lumipad para sa working visit sa Cambodia, Hong Kong at Beijing.