Duterte ayaw na sa Maynila! IATF meeting sa Davao uli

Muling makikipagpulong si Pangulong Duterte sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Diseases sa Davao City ngayong Huwebes, ayon sa kumpirmasyon ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Inaasahang isusumite ng IATF ang rekomendasyon nila kay Pangulong Duterte kaugnay ng implementasyon ng mga quaratine protocol sa buong bansa. Nauna nang nakipagpulong ang Pangulo sa task force noong Hunyo 4 sa Davao City. ( Prince Golez)