Duterte biyaheng Brunei

Rodrigo Duterte

Tutulak sa bansang Brunei si Pangulong Rodrigo Duterte mamayang gabi para dumalo sa Golden Celebration ng pagiging Sultan ni Hadji Hassanal Bolkiah.

Ang Pangulo ay personal na inimbitahan ni Sultan Bolkiah para maging bahagi ng kanyang selebrasyon sa Istana Place sa Brunei Darussalam.

Pagkatapos ng selebrasyon ay inaasahang magkakaroon ng pagkakataon si Pangulong Duterte na makausap si Sultan Bolkiah para sa isang bilateral meeting.

Inaasahan ding bibigyan ang Pangulo ng Royal Banquet dinner ng Sultan.

Babalik sa Pilipinas si Pangulong Duterte sa Sabado at didiretso na ito sa Davao City.

Maliit na delegasyon lamang ang kasama ni Pangulong Duterte kabilang na ang ilang miyembro ng gabinete.