Duterte biyaheng SoKor

Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa Busan, South Korea sa darating na Linggo para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Commemo­rative Summit.

Ayon kay Department Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Junever Mahilum-West, gaganapin ang summit sa Nobyembre 25-26 na dadaluhan din ng iba pang lider ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

Magiging abala ani­ya ang schedule ng Pangulo sa dalawang araw na summit at inaasahang magkakaroon ng bilateral mee­ting sa pagitan nila ni South Korean President Moon Jae-in.

“We expect some agreements to be signed on certain area­s of cooperation,” ani Mahilum-West.

Magiging sentro ng commemorative summit ang pagtalakay ss kasalukuyang direksiyon ng partnership at kooperasyon na parehong pakikinabangan ng mga bansa sa Asya.

Sa pagkakataong ito ay hindi makakaharap ni Pangulong Duterte ang Filipino community sa South Korea dahil mahigpit ang sche­dule nito.

“There are many side events as well of the summit to which the President and othe­r ASEAN leaders are invited to go So I think the schedule is very hectic at the moment,” dagdag pa ng opisyal.

Wala pang lista­han ng mga pangalan ng delegasyon ng Pa­ngulo para sa nabanggit na biyahe at posibleng ilabas ito sa mismong araw ng kanyang pag-alis. (Aileen Taliping)