Duterte bukas sa lahat ng gustong tumulong

Duterte bukas sa lahat ng gustong tumulong

Tatanggapin ng pamahalaan ang tulong na ibibigay ng kahit na sino, maging ito man ay galing sa mga kritiko, para matugunan ang krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kanyang press statement nitong Biyernes.

“Those who respond to call for unity and cooperation must be encouraged and commended instead of being harassed by subjecting them to a mindless government intrusion that smacks of partisan action,” ayon kay Panelo.

Sabi ng kalihim sinsero sa kanyang panawagan ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagkakaisa ngayong nahaharap ang bansa sa health crisis.

“His repeated calls for everybody, regardless of political beliefs to cooperate in the government’s efforts to stop the spread of the coronavirus, is not a meaningless appeal,” ani Panelo.

Nauna rito ay nagpasalamat si Pangulong Duterte dahil sa mga ginagawang pagtulong ni Vice President Leni Robredo sa mga health worker na pangunahing nagsasakripisyo para labanan ang COVID-19.

Sinibak ng Pangulo si Commissioner Manuelito Luna ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) matapos nitong hilingin sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan si Robredo dahil kinokompetisyon umano ang mga ginagawang pagsisikap ng gobyerno para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Sabi ni Panelo, ang pagkakasibak kay Luna ay patunay lamang na hindi kinukunsinti ni Pangulong Duterte ang mga “abusive, arrogant, and incompetent” na kawani ng gobyerno. (PNA)