Kinumpirma ni Pangu­long Rodrigo Duterte na tapos nang i-validate ang makapal na talaan na naglalaman ng mga pangalan ng mga personalidad na sangkot sa iligal na droga.

Bahagi umano ito ng pangatlong sigwada ng narco-list, ayon kay ­Pangulong Digong.

“I have the third round and final round, validation tapos na… ganu’n kakapal isipin mo ilang pulis pati ilang ano diyan ‘pag hindi ko nabasa ‘yan… sabi ko if it will outlast me then I will give you a legacy, the list of person to take care of.

‘Pag hindi niyo nadala ito nang maayos na pakiusap bahala na kayo. Alam na ninyo kung anong gawin ninyo… then restore ­order, restore sanit­y in this country,” pahayag ni Pangulong Duterte nang humarap sa mga miyem­bro ng Philippine Air Force kagabi sa Villamor­ Air Base.

Binanggit din ni Duterte ang angkan ng mga kilalang pulitiko sa Quezon.

“‘Yang sa Quezon kay Alcala, publicly sabihin ko sa‘yo totoo ‘yan. Gina­nun ko lang kasi alam mo marunong mag-maneuver.­ Hayaan mo muna. Sabi ko i-timing mo kasi kung malaman nila ngayon wala kang makuha diyan because of their connection.

Mayor­ dito, governor and to think hindi ako nag-presidente hindi mo ­masita ‘tong mga ‘to. Mayor, puro bodyguard, puro pulis, puro mga hoodlum pati ‘yung mga pulis takot. E kung ang sabi ko sa kanila nagbigay ako ng 24 oras kundi patayin ko kayo,” ani Duterte.

“Nu’ng panahon nakita natin sila patakbo-takbo puro pawis kung hindi ako nag-mayor hindi mangyayari ‘yun maniwala ka I’m not trying to pull my own chair. Pero ‘yung kami ‘yung sa stage ni isa dun harap-harapan at saka ‘yung ‘pag sinabi mong pata­yin, patayin mo talaga e…patayin kita…hindi madala e pagdating dun sa piskal, drop. Pagda­ting dun sa judge, drop ang kaso. Acquitted ­dito mayor hindi mo mahuli,” dagdag pa ng ­Pangulo.

5 Responses

  1. Ngawa na naman itong may sayad na ito. Patayin. Patayin. Patayin. Yan ang laging bukambibig.

    Pero bakit si Peter Lim, hindi pa din napapatay hanggang ngayon?

  2. Hanngang ngayon si peter lim buhay na buhay di naman nya pinatay kasi kumpare pala nya. Sigurado yang mga nk list na yan mga against sa kanya. Not Surprise. Prang showbis ang dating lagi.