Duterte chairman ng binuong task force kontra komunista

Nagtatag ng task force ang ­Malacañang para tuluyang tuldukan ang pakikipaglaban sa mga armadong grupo sa iba’t ibang panig ng bansa.

Batay sa Executive Order No. 70 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Disyembre 4, 2018, binig­yang-diin nito na dapat maging “whole nation approach” o gawing bahagi na ng polisiya ng gobyerno ang pagkamit sa pangmatagalang kapayapaan sa pamama­gitan ng iba’t ibang serbisyo publiko.

Magiging prayoridad ng task force ang pagkakaloob ng social development packages sa mga lugar na apektado ng gulo.
Inaatasan ng Pangulo ang mga local chief executive na maglunsad ng local peace engagements, at negosasyon kasabay ang paghimok sa iba’t ibang sektor na makilahok para sa peace agenda ng bansa.

Chairman ng task force ang Pangulo ng Pilipinas, Vice Chairman ang National Security Adviser habang miyembro naman ang mga kalihim ng DILG, Department of Justice, Department of National Defense, DPWH, Department of Budget and Management, Department of Finance, Department of Agrarian Reform, DSWD at Department of Edu­cation. ­