Mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na ang naggiit na ‘di dapat palampasin ang mga kapalpakan ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na pinamumunuan ni House Spkeaker Alan Peter Cayetano bilang cahirman.
Inihayag ito ni PRD sa panayam ng CNN Philippines Biyernes nang gabi, bisperas ng pagbubukas ng PH 30th SEA Games 2019 sa Philippine Arena sa Sta. Maria-Bocaue, Bulavan at sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.
“There were mishaps, things that cropped up which are not supposed to be there. Late reactions, negligence, wala naman sigurong intentional,” anang Punong Ehekutibo. “ I’d like to address to the public– marami ‘yun. You cannot just cast away the discomfort, the suffering of the athletes. This might really be a small matter, but you cannot just flick a finger na ‘ah maliit ‘yan.”
Hinirit pa niyang magkakaroon ng imbestigasyon sa mga kamalian at papanagutin ang mga may sala at malinis ang pangalan ng mga walang kasalanan.
“I think the investigation should proceed with the presumption of innocence. Then if they find something wrong, let it out, and sort it out what will happen next – if you file charges or what.”
Ang pahayag ni Digong ay sinundan din ng kanyang paghingi ng paumanhin sa 10 dayong bansa na kalahok sa SEAG dahil sa mga salto ng Phisgoc sa kaagahan ng linggo na may mga kinalaman sa accommodation, transporation,ticket, wifi connection, foods, water at iba pa.
Samantala, tumabla lang ang ‘Pinas sa Malaysia sa women’s floorball eliminations, 4-4.
Nabigo naman ang national women’s netball team sa Brunei sa elims, 44-53.
Sa women’s waterpolo, tumabla rin ang mga Pinay sa Singapore, 6-6. (Lito Oredo/Aivan Episcope)