Kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagdalo sa paggunita ng ika-155 anibersaryo ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City kahapon.
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kinakailangang bumiyahe ang Pangulo sa Mindanao.
“Executive Secretary (Salvador) Medialdea will attend instead of President Rodrigo Duterte. He has to fly to Mindanao to attend to the problem of insurgency in Mindanao.
Gayunman, hindi nagbigay ng detalye si Panelo kung saang partikular na lugar sa Mindanao ang pupuntahan ng Pangulo.
Batay sa official schedule ng Pangulo, alas-tres kahapon nang hapon ay nakatakda sana nitong pangunahan ang aktibidad para sa ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Bonifacio.