Inihayag ng Malacañang na nirerespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso bilang isang “co-equal branch of government” at hindi nito pinanghihimasukan ang political exercise katulad ng nangyaring agad na pagkakabasura sa impeachment complaint na inihain laban dito.

Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na “rehashed” at gawa-gawa lamang ang nabasurang reklamo laban kay PDu30.

“The House has declared the impeachment complaint filed by Congressman Gary Alejano against PRRD (President Rodrigo Roa Duterte) as insufficient in substance; we maintained that it was from rehashed, trumped up charges aimed at undermining the duly constituted government,” pagkokomento ni Abella.

Iginiit ni Abella na nakatutok sa kanyang trabaho si Pangulong Duterte at hindi nito sinasaklawan ang sino mang grupo.

Deadma lang naman ang ilang senador sa pagkakabasura sa inihaing impeachment complaint sa Pangulo.

Isa si Senador Panfilo Lacson sa mga tumangging magsalita kaugnay sa naging takbo ng impeachment proceedings sa Mababang Kapulungan ng kongreso.

Naniniwala si Lacson na kahit nabasura ang reklamo ay hindi maganda pakinggan na magbibigay pa ng komento ang mga senador sa anumang ginagawa ng Kamara, gayundin naman kapag magkomento ang sinumang kongresista sa ginagawa ng Senado.

7 Responses

  1. weder weder lang yan,Nang si Dilemma ang nakasalang dyan kahit hersay pinagkakaisahan nila sa pag usig,,ngayon napakalinaw naman kung ano ang nasa utak ni sayad,pero pinagkakaisahan naman nila sa pag depensa…..realidad lang mga demonyo

    1. wag kang hb nestor, dahil boss mo si dilemmaw, may hearsay bang bistado na ang bilibid kinawang shabu business? sama kana ke dilemmaw sa kulongan taga hugas ng kanyang p*k2x nangati na dahil sa kahinaan ng babae, kaw ang demonyo at yellowtard pa!

      1. MAy sumagot na demonyo. Hanggang ngayon. May drug business pa sa jail. Ugok. At tandaan mo. Hindi ako bomoto at hindi rin ako mkadilaw. SUbaybay ko lang. ang nangyayari sa pilipinas.sa

  2. importate ang evidencia. Hearsay walang puwang sa court o sa anumang may kinalalaman sa complain. Walang evidencia si Gary puro kwento ni Trillanes, Malobato, Sabio at Lascanans di sa basura pupulutin ang kangyang kwento. Yong kwento ng iba nagtantanong kung si Gary at Trillanes ay involved sa vigilante killing.Nagtantanong po.

    1. GANYAN NAMAN ANG USO NGAYON GAYA NG GINAWA LABAN KAY D5, PURO HEARSAY NG MGA KRIMINAL NA WALA NAMANG HARD EVIDENCE NA PINAKITA.

  3. kaya sa susunod busisi-ing mabuti ang bawat angulong irereklamo kung ikaw, ako. tayo mismo ang may personal knowledge sa ating ihahain.