Duterte ‘di paawat sa pagsakay ng chopper

Patuloy pa ring gagamit si Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential chopper sa kanyang mga lakad at aktibidad sa kabila ng insidenteng pagbagsak ng chopper na sinakyan ni Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa at ilang pang opisyal sa San Pedro City, Laguna.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kilala ang Pangulo na hindi matatakutin at madalas sabihin sa kanyang mga talumpati na handa siyang mamatay kapag oras na niya.

“You know naman the President eh, the President always says ‘if it’s my time, it’s my time.’ Fatalistic siya,” ani Panelo.

Simula umupo ang Pangulo sa puwesto noong Hun­yo 2016 ay chopper na ang ginagamit nitong mode of transportation kahit saan magpunta sa bansa.

Katwiran ng Presidente, ayaw niyang makadagdag sa problema sa traffic at maging dahilan ng perwisyo sa maraming motorista kapag gumamit ito ng sasak­yan sa kalsada dahil sa inaasahang mahabang presidential convoy. (Aileen Taliping/Prince Golez)