Duterte, DPWH pinasalamatan ng Taguig sa ‘model bike highway’

Bumubuhos ang pasasalamat mula sa mga siklista dahil sa bike lane na inilatag sa Laguna Lake Highway na proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte, at naisakatuparan ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Secretary Mark Villar dahil makakapag-bisikleta na sila ng ligtas da kalsada.

Ayon sa siklistang si Enrique Tija, isang 43-anyos na residente ng Brgy. Napindan, ang bike lane ay malaking tulong sa kanya at mga kaibigan niyang palaging nagbibisikleta.

“Kada Linggo, nagbibisikleta kami rito at nageensayo… Ang ibang tao rin na pumapasok sa trabaho ay dumadaan dito ng ligtas at di masasagi ng mga sasakyan o motorsiklo,” wika ni Tija.

Inilunsad nitong February 2019, ang 3-meter-wide na kahabaan ng kalsada na may 5.8 kilometro ay kauna-unahang protected bike lane sa Philippine national highway, isang modelo para sa dati at bagong kalsada na malawak para lagyan ng bike lane.

Ang lane ay hiwalay sa highway at merong planting strip, upang masiguro ang permanent structure na nagbibigay proteksyon sa mga biker laban sa mabilis na daloy ng trapiko. Ang lugar ay meron ding maliwanag na streetlights at road signages para dagdag kaligtasan.