Duterte duda sa online learning

May agam-agam si Pangulong Rodrigo Duterte sa ipapatupad na online learning sa pagbubukas ng klase sa Agosto.

Sa kanyang prerecorded national address kahapon, nagpahayag ang Pangulo nang pagdududa sa kakayahan at kahandaan ng gobyerno sa sa blended at virtual learning bilang alternatibong sistema sa traditional na classroom learning ngayong nasa krisis ang bansa sa coronavirus disease.

Aminado ang Pangulo na kulang ang resources ng gobyerno para mapunan ang pangangailangan ng nasabing plataporma para sa mga guro at mag-aaral.

“(Education) Secretary (Leonor) Briones is insisting that there should be an alternative there and she has a very good program for that. Parang tele-conferencing,” sabi pa ni Duterte.

“The technology is good but I don’t know if we’re ready for that. Meaning to say, if we have enough of those na gamitin para sa whole of the Philippines. We’re talking of students, it’s million, meron ba siya? If she has, if we can afford we’ll buy it and she can proceed with her novel idea on how the children can continue with their education,” dagdag ng Pangulo.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Education na magsisimula ang klase sa Agosto 24 gamit ang `blended forms of learning’ upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa COVID-19 pandemic. ( (Prince Golez)