Duterte gagamit ng extra power sa krisis sa tubig

Hindi papayagan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na magsakripisyo ang mga taga-Metro Manila dahil sa krisis sa tubig.

Sinabi ng Pangulo na ga­gamitin nito ang kanyang extra ordinary powers para hindi magsakripisyo at makunsimi ang publiko sa nakaambang krisis sa tubig dahil sa kakapusan umano ng supply ng tubig mula sa Angat dam.

Tinukoy dito ng Presidente ang paggamit ng police power ng estado para i-take over ang mga hindi kayang gawin ng mga taong itinalaga nito para lumutas sa problema.

“I will use the extraordinary powers of the Presidency. I could not just allow people go about without water even for drinking. Im taking stock of my options. Its oppresion or outright police power of the state, ganon diretso. You just go to court and file a case if you want. And I will start to find a way how to connect the water to the people.

It has be confiscatoric. talagang aagawin mo, pabayaan ko bang walang mainom, just because of what, your environment will be spoiled? That would not be a good answer to me. I will take over and I will direct what to do. Ganon lang ‘yan, hindi n’yo kaya eh sige umalis kayo diyan,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na nagtalaga siya ng mga taong inaakalang makakalutas sa problema at kung wala rin lang magiging silbi ang mga ito ay dapat na umalis ang mga ito sa puwesto.

“I have appointed enough men of equal talent to deal with the problem. I dont know kung saan sila magkuha. Basta sa akin, you produce the water,” dagdag ng Pangulo.

Malaya aniya ang sinuman na magsampa ng kaso sa kor­te kung inaakalang madedehado ang mga ito, pero hindi niya papayagang mawalan ng maiinom na tubig ang mamamayan.

“Let me be very clear to the citizens and all. You have every right to protest if it really, if it would place yourself in jeo­pardy. But I could not just allow people go about without water even for drinking,” paliwanag pa ng pangulo.

(Aileen Taliping/Prince Golez)