Tatalakayin ng Department of Health (DOH) ang Duterte Health Agenda sa pagbubukas ngayon ng national health summit sa PICC sa Pasay City.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, tatlong pangunahing agenda o layunin ang nais makamit ng DOH.

Kasama rito ang mahusay na kalusugan at mahabang buhay para sa lahat ng Pilipino at mapigilan ang mga lumalakas na banta ng zika virus at droga.

Sinabi ni Ubial na ang pagtugon sa mataas na halaga ng pagpapasuri at pagpapagamot at ang makataong karanasan ng bawat Pilipino lalo na ng mahihirap sa pagpapagamot ang legacy ng Duterte administration.

Hinikayat ni Ubial na magkaisa at kumilos ang lahat mula sa lokal na pamahalan, mga barangay at bawat indibidwal upang matagumpay ang nasabing Duterte health agenda.