Hindi kumbinsido si Pangulong Rod­rigo Duterte na mayroong impiyerno tulad ng iminulat sa isipan ng mga katoliko.

Sinabi ng Pangulo na kung ginawa ng Diyos ang tao bakit nito gugustuhing itapon ang mga ito sa impiyerno para parusahan.

Hindi rin aniya ito naniniwalang mayroong langit na batay sa paniwala ng mga Katoliko ay pupuntahan ng mga taong nakagawa ng mabuti sa mundo.

“I do not believe in hell. Why would God create a human being only to throw him to hell? Is that not stupidity? Eh bakit pa maggawa ka ng tao only to prepare a place for him to suffer? Anong klaseng Diyos iyan? Neither is there heaven,” anang Pangulo.