Duterte hindi pa ready pag-usapan ang WPS dispute

West Philippine Sea

Hindi pa napapanahon, na tala­kayin sa China ang territorial dispute sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sinabi ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kasunod ng pakikipagpulong kay Chinese ambassador Ma Keqing na tumagal ng halos apat na oras.

Maging sa Chinese Ambassador ay binanggit umano ng Pangulo na wala pa siyang balak pag-usapan ang territorial dispute maliban sa bilateral talk sa lider ng China.

“I will not talk about it but when we are in front of each other in a bilateral talk ‘yung tayong dalawa lang, then I would state my case. ‘Yan. I have this arbitral judgment.

We will not go out of the four corners of this paper. Then let us talk. Not now. It’s not the right time to talk about it. There are so many conference doing it.

If you start it, it’s going to be a multilatera­l crying and that is very dangerous because ‘pag nag-withdraw ang China sa formal talks then it could only mean one thing,” pagbabahagi ni Pangulong Duterte sa naging pakikipag-usap sa Chinese Ambassador.

Sakali umanong dumating ang araw ng pag-atras ng China sa bilatera­l talks ay saka nito ihaharap ang kaso ng Pilipinas at igigiit ang arbitral ru­ling.