DUTERTE IPINAGTANGGOL ANG PASABOG KAY DE LIMA

ZAMBOANGA CITY — Muling ipinag­tanggol ­kahapon ni ­Pangulong Duterte ang sarili sa ­pagkakadawit kay dating Justice Secretary at ngayo’y Senator Leila de Lima sa iligal na droga at relasyon nito sa kanyang driver.

Inamin ni Duterte na mismong mga kamag-anakang babae nito ang nagtatanong sa kanya kung bakit kailangan pa nitong kalkalin at isapubliko ang personal na buhay ni De Lima.

Sa kanyang news conference sa Davao City, sinabi ni Duterte na dahil kay De Lima ay lumala ang sitwasyon sa Bilibid prison dahil sa iligal na droga at sa impluwensya ng senador noon ito ay nasa Department of Justice (DOJ) pa.

“The crux of the matter is if I do not talk about that relationship of De Lima to his driver then there is no topic to talk about because what is really very crucial there is the fact that because of that relationship with her driver which I termed immoral because the driver has a family and wife, that connection gave rise to the corruption of what was happening inside the National Penitentiary kaya nga nagkaroon ng special privileges,” ani Duterte.

Tinanong pa nito ang mga mamamahayag na hindi ba sila nagtaka sa talamak na operasyon ng iligal na droga sa Bilibid noong panahon ni De Lima. Ang Bilibid prison ay nasa ilalim ng Department of Justice.

“Are you not surprised that during her term and for a longer period when she became the secretary of Department of Justice there were special privileges granted to all or almost all inmates, there were guns there inside, there were parties being held almost every night, there was a combo, a musical group. Liquors and alcoholic drinks flowed freely and women went inside and out the prison.”

“Now if I do not mention the connect between the senator who was then the secretary of Justice and her driver, how would I now explain to the public that things happened, the partying, drugs and even cooking shabu went well unbridled, unhampered because of the driver himself.

Would you think that a driver of the Department of Justice employee could have allowed these things by all and himself, these illegal things which you saw on TV almost every day for about a month?

Do you think without De Lima giving him the authority to allow the inmates to do that all of these could have only happened if there was the go signal from the head of the department which is the secretary?” paliwanag pa ni Duterte.

Pinangalanan din ni Duterte ang driver ni De Lima na si Ronnie Dayan na isa sa ilang bagman ng senador noong ito ay pinuno pa ng DOJ.

Naunang sinabi ni De Lima na wala na sa kanyang poder si Dayan.