Duterte ipinagtanggol ni Arroyo

“He knows what he’s doing.”

Ito ang muling pagtatanggol ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati bilang panauhin sa Inner Wheel Club of the Phillippines National Induction na ginanap sa Makati City, sinabi ni Arroyo na mahalagang pagkatiwalaan ng mga Filipino si Pangulong Duterte.

” I’d like to use this opportunity to stand four-square behind President Duterte’s declaration of Martial Law in Mindanao. It’s important we just trust the president because he knows what we don’t know. He knows what he’s doing, so let us all support the martial law of President Duterte in Mindanao,” ani Arroyo.

May mga impormasyon din aniya si Pangulong Duterte na s’ya lamang ang nakakaalam kaya idineklara ang batas militar sa Marawi City.

Hinimok ni Arroyo ang publiko na magkaisa upang mabilis ang pagbangon ng mga taga-Marawi.