Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pagkakalagyan ang mga pulis na sangkot sa pagre-recyle ng iligal na droga o yaong mga tinatawag na ‘ninja cops’.

Sa kanyang ­pagdating sa Davao City mula sa ­biyahe sa Russia, ­partikular na ­binanatan ni ­Pangulong Duterte si Police ­Major Rodney ­Baloyo na kasalukuyang ­nakadetine sa New ­Bilibid Prison matapos i-contempt ng Senado dahil sa pagsisinungaling umano sa ­anti-illegal drug operation noong Nobyembre 2013.

Ayon sa Pangulo, mata­gal na siyang ­nagbabala ­laban sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga kaya walang maaasahang ­tulong sa kanya si Baloyo.

“That is his problem not mine. Pumasok siya dyan, mabuti buhay pa siya, g*go pala siya,” diin ni Pangulong Duterte.

“There are laws he can always seek sanctuary in our laws, there is always a relief somewhere. Pero kung sabihin mo ako pa magisip para sa kaniya, not my job,” dagdag ng Pangulo.

Sa isang talumpati sa Filipino community sa ­Russia, sinabi ni Duterte na kokomprontahin niya ang mga ninja cop, ­kasabay ng pangako na aalisin niya ang lahat ng tiwaling ­miyembro ng Philippine National Police (PNP).

“Meron akong ­ninja. Ngayon pag-uwi talagang upakan ko itong mga p*t*ng in*ng pulis na ito. ‘Yang tawag nilang ninja. ‘Yung talagang nagdu-droga ang mga g*g*,” ayon sa talumpati ni Duterte.

“I have 2 years and so many months left, ubusin ko talaga itong mga p*t*ng *n* na ‘to. Tingnan mo,” dagdag pa ni Duterte.

Samantala, sinabi ­naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ­pabubuksan niya muli ang kaso ni Baloyo at ang 12 pang pulis na sangkot sa kontrobersyal na operasyon sa Pampanga noong 2013.

“We shall try to ­resolve in a month’s time, consi­dering that this ­automatic review has been ­pending since 2017,” ani ni ­Guevarra.

Si Baloyo at ang 12 pang dating miyembro ng Pampanga PNP na unang nirekomendang tanggalin sa serbisyo matapos ­lumabas sa ­imbestigasyon ng Criminal and Investigation Detection Group (CIDG) na higit 200 kilo ng shabu ang nakuha sa ­ni-raid na bahay ng drug lord na si Johnson Lee noong Nobyembre 2013 pero 38 kilo lamang ang prinisinta sa media.

Pero noong 2017, ­parusang one rank demotion lang ang pinataw sa grupo ni Baloyo. (Prince Golez/Juliet de Loza/Dolly Cabreza)