Maliban sa pagiging rockstar ay bentang-benta rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpapa-selfie na mga delegado sa 29th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Laos.

“President (Rodrigo) Duterte is a rock star not only in our country but also in other countries like Laos, Japan, and now the other foreign ministers and delegates have scrambled to get a selfie with our President,” reaksyon ni Presidential Communications (PCO) Secretary Martin Andanar sa dami ng gustong magpa-selfie kasama ang Pangulo sa ASEAN meet.

Ang mga delegado, ayon sa Palace official, na nakakakita kay Pangulong Duterte na dumadaan sa hallway o saan mang lugar sa mga pinagdausan ng summit ay hindi nahihiyang makiusap sa Pangulo para magpa-selfie na pinagbibigyan naman ng Pangulo.

Dahil sa dami ng gustong magpa-selfie sa Pangulo, sinabi ni Andanar na pruweba ito na ang kanyang karisma ay tumalab na rin sa international community .

Tanging si Pangulong Duterte, ayon pa kay Andanar, sa mga lider ng iba’t ibang bansa na lumahok sa summit ang sinisigawan at pinapalakpakan kapag dumadaan.

“This is the charisma that President Duterte e­xudes. For his people, he has earned a “rock star” status promp­ting flocks — if not, hordes — of people to gather and crowd his airspace. Filipinos consi­der him a folk hero, father, sa­vior and much more,” dagdag ni Andanar.