Habang nirerekisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malawak at mayamang likas sa dagat na Benham Rise, magsisipaglaro naman sa dalampasigan ang mga tsikiting sa pinarangalan ng UNESCO na Philippine Sports Commission Sports for Peace Children’s Games 2018.

Ipinahayag kahapon ni PSC Chairman Butch Ramirez na babatiin ni Duterte ang mga kabataa­n na kasali sa sports at fun activities bago o pagkatapos ang pagsisid ng Punong Ehekutibo sa ilalim ng karagatan, 250 kilometro ang layo sa silangan ng Dinapigue, Isabela ngayon o bukas, Mayo 15-16.

Makakasabayan ng PSC Sports for Peace Children’s Games sa Dinapigue at Casiguran ang pagbibigay ni President Duterte sa Benham Rise ng bagong pangalang Philippine Rise sa paggiit sa lahat ng mga nagkakainteres na pag-aari ito ng Pilipinas.

Bukod sa mga larong Pinoy, hinirit ni Ramirez na magpapaligsahan din ang mga bata sa open water swimming at iba pang beach games.

“President Duterte will go there and he will be greeted by the laughter and smile of children enjoying the games,’’ panapos ni Ramirez.