Duterte malabo sa Independence Day celeb

Posibleng hindi makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Independence Day sa Luneta sa June 12.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na limitado lang sa sampu ang puwedeng dumalo sa Luneta para masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa COVID-19.

Bukod dito, nasa Davao City ang Pangulo kaya ilang opisyal lang ng gobyerno ang makakadalo sa aktibidad sa Luneta sa Biyernes.

“Sampu lang kasi ang puwedeng dumalo . Sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa COVID-19 ay sampu lang yung nandoon sa Luneta,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na ito ang kauna-unahang pagkakataon na iselebra ng Pilipinas ang Independence Day na limitado ang dadalo at limitado kilos at mga aktibidad dahil sa epektong dulot ng COVID -19.(Aileen Taliping)