Halatang masaya si Robin Padilla nang ipost ang artikulong nagsasaad na nakakuha raw ng net satisfaction ratings na 81% si Pangulong Rodrigo Duterte. Ibig daw sabihin ay ito ang porsyento ng mga Pilipinong kuntento sa pamumuno ng Pangulo.

Sa caption ni Robin ay pinaalalahanan niya ang mga kapanalig niya na huwag munang mag-relax dahil sa nakuhang ratings at marami pa raw kaaway na babanggain ang Pangulo.

“Compatriots Let us transform this 81 percent to action and progress wag muna kayo manahimik at marelax dahil 2 taon na lang si mayor PRRD at mas marami siyang babanggain na kaaway ng mga mahihirap in shaa Allah kung paano tayo nag aalab nong 2016 mas dagdagan natin ang apoy sa ating mga dibdib ngayon at muling lumantad at labanan ang mga puwersang nais pabagsakin ang ating Pangulo,” ang caption ni Robin.

As we all know ay die hard supporter ni Digong si Binoe at bagama’t marami siyang nakakaaway dahil dito ay wala siyang pakialam and according nga to him, handa naman siyang mamatay para sa ating Pangulo.

Ice iniwan si Liza

“Jowaniversary” ang tawag ni Liza Dino sa anniversary nila ng mister na si Aiza “Ice” Seguerra. Last March 5 ay seven years na sila bilang magdyowa at sey niya sa kanyang Instagram post, hindi raw totoo ang “seven year itch” sa kanila.

“Kung may ANNIVERSARY…may JOWANIVERSARY din and today we celebrate our 7th year as magjowa😍

“Nope, there’s no such thing as “seven year itch” for us…in fact we broke the curse of the “Seven year itch” dahil mas lalo pa yata akong patay na patay na patay na patay sa’yo mahal ko. Love, thank you for loving me unconditionally, for keeping me sane, for being my strength, for bringing out the real me and everything in between.

“You inspire me to be good. To be better. To be the BEST, each day.

“Haaay…Mamimiss na naman kita. Ikaw naman ang nang-iwan para sa US TOUR mo! Ingat ka dyan. Slaaaay! Hindi man ako ang “plus ONE” mo sa concert guesting mo ngayon, lagi kang “plus ONE” sa puso ko! Nakanangtooots 😂

“Love you!” ang anniversary greeting ni Liza sa asawa.

Matatandaang ikinasal sina Ice at Liza noong December, 2014 kaya ang totoong wedding anniversary nila ay isine-celebrate nila every December.