Duterte ‘masamang damo’

danilo-suarez

Katulad ng kasabihan – mahirap mamatay ang ‘masamang damo’.

Ito ang pabirong komento ni House Minority Leader Danilo Suarez sa mala-telenobelang pagsubaybay ng taumbayan sa totoong lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Suarez na huwag nang pagdudahan kung sabihin ng Malacañang na nasa “excellent health” ang Pangulo dahil isa umano itong masamang damo kaya matagal mamatay.

“May kasabihan masamang damo matagal mamatay…  I think it applies he is a bad grass but he is a good president,” pahayag ni Suarez.

Para kay Suarez magandang indikasyon na laging hinahanap ng publiko si Duterte dahil nanganaghulugan umano na namimiss s’ya palagi ng tao at gusto s’yang laging sumasabak sa aksyon.

“Ako ay natutuwa na hinahanap ng mga tao ang presidente, maganda yung hinahanap ka ng tao ibig sabihin they give value to you. They want to hear what you want to say and they’re happy that you are the president,” wika ni Suarez.

Dinepensahan din ng mambabatas ang mga opisyal ng Malacañang na laging sumasalag sa kritiko at paghahanap ng publiko sa Pangulo.

“Tingnan natin facial expression ng mga nagsasalita, they look sober and ok naman lets take their position that they telling the truth, doesn’t look bothered or alarmed,” ani Suarez.