Duterte matigas sa FM burial

ZAMBOANGA CITY — Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na papayagan nitong ipalibing ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta ng iba’t ibang sektor.

Sinabi kahapon ni Duterte sa harap ng mga sundalo sa kampo ng Eastern Mindanao Command sa Davao City na papayagan din nito ang mga magpoprotesta sa kanyang desisyon, ngunit desidido pa rin ito sa kanyang kautusan.

Sa katunayan, ibinoto umano ni Duterte si Marcos bilang pangulo noon dahil na rin sa pagiging miyembro ng kanyang amang si Vicente sa Gabinete nito. May karapatan umano si Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani dahil dati itong presidente at naging sundalo noong panahon ng Hapon.

“Marcos was a soldier, sinabi lamang ng mga kalaban na hindi totoo but… sabi nila eh hindi totoo ‘yan si Marcos, peke ‘yan. Well you know, lima, anim, pitong tao na magsabi totoo na lumaban talaga ‘yan, pwedeng hindi nakapatay pero he was there to fight for his country, okay na sa akin ‘yan.

Sundalo pati presidente. Definitely he was a president and a soldier, alin diyan sa dalawa mamili kayo, he is qualified to be buried there,” dagdag pa nito.